--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagsasagawa ng maiksing programa ang provincial government ng Isabela para sa pagdating sa lalawigan ni Papal Nuncio to the Phils. Gabrielle Giordano Caccia para sa kanyang isang araw na state visit.

Kasama ni Papal Nuncio Caccia na dumating sa Isabela si Cardinal Orlando Quevedo kung saan pinagkalooban sila ng red carpet.

Ang programa ay dinaluhan ng mga opisyal ng Provincial Government ng Isabela maging ng mga opisyal ng mga LGUs at mga department heads.

Magkaroon ng one on one meeting si Gov. Bogie Dy at si Papal Nuncio to the Phils. Gabrielle Giordano Caccia bago isinagawa ang state dinner.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Media Consultant Romy Santos ng Isabela na magkakaroon ng panandalian na pagpupulong sina Gov. Dy at Papal Nuncio Caccia.

Kasamang nagtungo ng Papal Nuncio sa opisina ng gobernador sina Cardinal Orlando Quevedo at Bishop David William Antonio ng Diocese of Ilagan.

Samantala, mahigpit ang ipinapatupad na seguridad ng mga kasapi ng Isabela Police Provincial Office, mga kasapi ng Phil. Army katuwang ang Provincial Security Group sa pagdating ng Papal Nuncio.