--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki matapos magulungan ng police car sa national highway sa Baligatan, Ilagan City.

Ang biktima ay si Mark Anthony Meneses, 25, binata, residente ng Osmeña, Ilagan City habang ang nagmaneho sa sa police mobile car ay si PO1 Maynard Marayag, 29 anyos , may-asawa, residente ng Balasig, Cabagan, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Supt. Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station na pabalik na sina PO1 Marayag matapos tumugon sa isang kaguluhan at nang makarating sila sa pakurbadang daan ay may nakahigang lalaki sa gitna ng lansangan.

Sinubukan pa umanong iwasan ito ni PO1 Marayag subalit nasagasaan pa rin niya ang bahagi ng hita ng biktima.

--Ads--

Nagtamo ng malalang injuries sa hita at braso ang biktima na wala nang pulso nang tunugon ang Rescue 831.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na bago ang insidente ay binugbog umano ng tatlong kalalakihan ang lasing na biktima.

Nang naglalakad na umano ang biktima sa nasabing daan ay dito na umano natumba ang biktima at doon na humiga.

Sa ngayon ay hinihintay pa rin pulisya ang resulta ng autopsy sa bangkay ng biktima upang malaman ang ikinamatay ni Meneses.