--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging emosyunal ang isang ginang matapos niyang makita ang dalagitang anak na nawalay sa kanya matapos ang halos sampong taon.

Sa pamamagitan ng panawagan ng 13 anyos na si Eden Dantes sa Bombo Radyo Cauayan ay nakarating sa kanyang ina na si Gng. Editha Manite, residente ng Gamu, Isabela na nais niyang makita dito sa Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, ikinwento ni Gng. Manite na noong 3 anyos ang kanyang anak ay iniwan niya sa kanyang kapatid sa Nueva Ecija subalit hindi na niya nabalikan dahil sa hirap ng buhay at walang pamasaheng umuwi.

Hindi naiwasan ng ginang na maging emosyunal dahil nangako siya noon sa anak na babalikan subalit hindi niya ito nagawa.

--Ads--

Noong February 8, 2019 ay dumating dito sa Cauayan City ang dalagita at nakituloy pansamantala sa kanyang pinsan.

Naisakatuparan ang pagkikita ng mag-ina matapos manawagan sa Bombo Radyo ang kanyang anak at nagkaita ngayong araw ng mga puso dito sa himpilan ng radyo.