--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang tsuper ng motorsiklo habang kritikal ang angkas nito matapos sumalpok sa kasalubong na trailer truck sa brgy. Bangot, Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang namatay na driver ng motorsiklo ay si Charles Gerald Bueno, 24 anyos, residente ng Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya habang ginagamot pa rin sa pagamutan ang kanyang kaangkas na si Melbourne Loscos, 19 anyos, residente ng San Antonio South, Bambang,Nueva Vizcaya.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na umagaw ng linya sa pakurbadang daan ang motorsiklo na nagresulta upang sumalpok sa kasalubong na trailer truck na minamaneho ni John Michael Calipjo, 27 anyos, residente ng Meycauayan Bulacan.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang dalawang lulan ng motorsiklo at nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na agad isinugod sa Veterans Regional Hospital sa Bayombong, Nueva Vizcaya subalit ideneklarang dead on arrival si Bueno

--Ads--

Nasa pangangalaga pa rin ng Bambang Police Station and tsuper ng trailer truck para sa kaukulang disposition.