--Ads--

CAUAYAN CITY – ipinag-utos na ng Mayor ng Bayombong, Nueva Vizcaya ang agarang paglutas at pagtukoy sa mga suspek sa pagpatay kay Versalito John Cabalonga Cachero, t35 anyos , contractual employee ng General Services Office ng LGU Bayombong.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SPO1 Milver Villanueva, investigator ng Bayombong Police Station na pinatututukan ngayon ni Mayor Ralph Lantion ang naturang krimen lalo na at nagdulot ng pangamba sa ibang mga kawani ng pamahalaan ang basta basta na lamang na pagpatay sa kanilang kapwa empleyado.

Ayon kay SPO1 Villanueva, maliban sa mga natamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay pinagpapalo pa ng baseball bat ang biktima na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Habang kumakain si Cachero sa isang burger stand kasama si Alfredo Dangilan na isa ring empleyado ng LGU- Bayombong ng magkaroon ng maiinitang pagtatalo ang biktima at hindi pa matukoy na suspe dahil sa maingay nitong motorsiklo.

--Ads--

Matapos ang ilang minuto ay bumalik ang suspek na may kasama at pinagtulungang bugbugin,pagpapaluin at saka pinagsasaksak si Cachero sa kanyang katawan habang nakatakbo naman si Dangilan.

Maglalabas ng cartographic sketch ng dalawang suspek n ang pulisya anumang araw mula ngayon matapos malinaw ang kuha ng CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen.