--Ads--

CAUAYAN CITY – Electrical short circuit ang pinaniniwalang sanhi ng pagkatupok ng isang bahay na nagsanhi ng pagkamatay ng isang lola at pagkasunog ng balat ng kaniyang asawa sa Dammang East, Echague, Isabela.

Namatay sa sunog si lola Virginia Matterig, 71-anyos dahil hindi agad nakalabas sa kanyang kuwarto dahil sa kapansanan habang nagtamo ng second degree burn ang asawang si Villamor Matterig,  71-anyos na nagtangkang pumasok sa loob ng bahay nang nasusunog ang kanilang dalawang palapag na bahay.

Inihayag ni Senior Fire Officer 1 Reinier Cante, tagasiyasat ng BFP Echague na nag-overheat ang naiwang nakasinding wall fan mula sa unang palapag ng bahay hanggang matupok ang pangalawang palapag dahil sa gawa ito sa kahoy.

Hindi agad nakarating ang mga bumbero dahil malayo at hindi maganda ang daan patungo sa barangay Dammang East.

--Ads--