--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na mga may-ari ng fishpond ang pagkawala ng tubig sa kanilang palaisdaan sa San Mateo, Isabela

Sa ngayon ay madalang ang mga pag-ulan sa lalawigan ng Isabela at nararanasan na rin ang mainit na panahon sa buong maghapon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo matapos ang anihan ay mawawalan na rin ng tustos ng tubig ang mga irrigation canal na pinagkukunan ng patubig ng backyard fishpond owners

Kinakailangan anya ng mga alagang isda ng tubig pangunahin na sa buwan ng Marso at Abril kung saan tiyak nang mawawalan ng tubig ang mga irrigation canal.

--Ads--

Sa ngayon ay naghahanda na ang mga backyard fishpond owners ng kanilang water pump upang matustusan ang tubig sa kanilang palaisdaan.