--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinatawag na ng pamunuan ng EO18 Riders ang kawani nito na pinaratangang sumipa sa isang tsuper ng motorsiklo sa San Fermin, Cauayan City.

Nagtungo sa Cauayan City Police Station si Mark Anthony Salvador, 22 anyos, binata, mekaniko at residente ng barangay Roxas, Naguillian matapos umanong sundan at pahintuin ng isang kawani ng EO18 Riders at saka umanoy sinipa ang kanyang tuhod.

Kinuha umano ni PO1 Gems Dizon, miyembro ng EO18 Riders ang lisensiya ni Salvador at sinipa rin umano niya ang led light ng motorsiklo at saka ito ipinatanggal

Matapos tiketan ay ipinasakamay ang nasabing motorsiklo sa tanggapan ng LTO Cauayan City.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag P/Sr inspector Melchor Aggabao, team leader ng Isabela Special Motorcycle Action and Response Team na unang nakilala bilang EO18 Riders na batay sa pahayag ni PO1 Dizon, una umano nilang pinahinto si Salvador sa kanilang pagpapatupad ng batas lansangan.

Gayunman, sa halip na huminto ay pinatakbo umano ni Salvador ang kanyang motorsiklo kayat hinabol siya ni PO1 Dizon.

Itinanggi ni PO1 Dizon na sinipa niya si Salvador dahil magkadikit na sila nang huminto sila kayat iniharang umano ng pulis ang kanyang paa.

Tiniketan umano si Salvador ng reckless driving, walang suot helmet, walang dalang rehistro ng motorsiklo, unauthorized modification, walang side mirror at pagbalewala ng traffic officer at pinirmahan niya nito.

Itinanggi rin umano ni PO1 Dizon na sinipa niya ang led light ng motorsiklo sa halip ay ginamit lang ang paa para sabihan na ibaba ang ilaw nito.

Ayon kay Sr. Insp Aggabao, handa nilang harapin ang ano mang reklamo sa kanila at maghahanap din sila ng kuha ng CCTV upang tignan ang tunay na pangyayari.