--Ads--

CAUAYAN CITY- Namatay ang batang mag-aaral matapos mabagsakan ng malaking bakal ang ulo habang naglalaro sa labas ng kanilang paaralan sa barangay San Manuel, Echague, Isabela.

Ang biktima ay si Angelio Jorial, 8 anyos at Grade 3 pupil sa nasabing lugar.

Nauna rito ang biktima at ilang mag-aaral ay naglalaro habang naka-break sa kanilang kalse nang ilang mag-aaral ang humila ng isang volleybal net na ginagamit sa paglalaro sanhi para matumba ang dalawang bakal.

Ang isang bakal na natumba at bumagsak sa ulo ng biktima na kaagad dinala sa pagamutan.

--Ads--

Makaraan ang ilang oras na ginagamot ang bata ay binawian din ng buhay.

Labis-labis ang kalungkutan ng mga magulang ng bata dahil kasama pa ang kanilang anak sa pagdiriwang ng valentine’s day.

Wala namang sinisisi ang mga magulang ng bata dahil aksidente ang nangyari sa kanilang anak at naganap ito sa labas ng kanilang paaralan habang naka-break sa klase.