CAUAYAN CITY – Nagluluksa ang bayan ng Burgos, Isabela sa pagkamatay ng isang barangay treasurer at spare driver habang apat ang nasugatan matapos bumangga sa poste ng koryente at mahulog sa maisan ang sinasakyan nilang Fortuner kaninang umaga sa Fragata, Pasuquin, Ilocos Norte
Ang mga opisyal ng barangay ng Burgos, Isabela na sakay ng SUV ay patungo sa Laoag City para dumalo sa isang convention.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PO2 Joey Aninag, chief investiagor ng Pasuquin Police Station, sinabi niya na inamin ng tsuper ng SUV na si Novelito Abaya na dahil mahaba ang kanilang biyahe ay naidlip siya at nawalan ng kontrol sa manibela. Mayroon siyang kapalit na driver na si Edmundo Martillano ngunit hindi nagising sanhi ng pagod dahil nagkaroon siya ng biyahe.
Matapos bumangga ang sasakyan sa poste ng koryente ay nahulog ito sa maisan at bumaliktad an g SUV.
Kasama ni Martillano na namatay matapos maipit sa sasakyan ay si barangay treasurer Josephine Moises.
Ang apat na nasugatan sa aksidente ay dinala sa Ilocos Norte Provincial Hospital.
Sila ay sina Joned Salacup, SK chairman, 23 anyos, barangay official Eduardo domingo, 44 anyos residente ng Bacnor West, elizabeth bucag, barangay treasurer ng San Antonio Burgos,Isabela.