CAUAYAN CITY – Handa na ang COMELEC-Isabela para sa 2019 midterm elections sa May 13, 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provinicial Election supervisor Atty. Michael Camangeg na puspusan ang kanilang paghahanda at pagtatanggal sa mga iligal campaign materials.
Noong Pebrero aniya ay marami na silang mga natanggal na campaign materials ng mga national candidates na nakalagay sa hindi tamang lugar.
Patuloy din ang kanilang ugnayan sa DENR, PNP, BFP at mga Electric Cooperative para tulungan sila sa pagbaklas.
Una na nilang sinulatan ang mga national candidates at inabusuhan na dapat sundin ang nakasaad sa comelec resolution.
Ayon kay Atty. Camangeg, nakahanda na ang 3,170 na pampublikong guro na sumailalim sa training sa pagsisilbi nila sa halalan.
Nakatakdang magsanay ang mahigit isang libong technical support staff sa March 25 -27, 2019 .