CAUAYAN CITY -Nakuha ni Reigning palarong pambansa most bemedalled athlete Michaela Jasmine Mojdeh ang kanyang pang-limang gintong medalya sa nagpapatuloy na 2019 Batang pinoy Games- Luzon Qualifying games na ginaganap sa Ilagan City Sports Complex.
Ito ay makaraang nakuha ni Michaela Jasmine Mojdeh ng Paranaque City ang isa pang gintong medalya para sa 200 meter butterfly
Una nang nasungkit ni Mojdeh ang gintong medalya sa 50 fly, 100 fly, 4 Individual Medley at 2 Individual Medley.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Michaela Jasmine Mojdeh na hindi niya inaasahan makuha niya ang gintong medalya sa 200 meter butterfly dahil kagagaling pa niya ng laban sa Japan at China.
Matapos ang Batang Pinoy Games ay paghaghandaan ni Michaela Jasmine Mojdeh ang laban sa Canada sa buwan ng Mayo, 2019
Samantala, humakot din ng 5 gintong ang first time Batang Pinoy athlete Mark Bryan Dula ng team Paranaque City.
Ayon kay Dula, bagamat mahirap umano ang kanyang mga naging training ay naging madali nalang umano ang pagsabak niya sa kanyang backstroke, butterfly swimming event.