--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang limang tao sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa provincial road na nasasakupan ng barangay Pangal Norte, Echague, Isabela.

Ang mga nasugatan ay ang tsuper ng tricycle na si Jet Dela Cruz, 20 anyos, binata at residente ng Kimmalabasa Norte, San Agustin, Isabela at sakay na sina Jaymar Silaran, 19 anyos, binata, residente ng Kimmalabasa Sur, San Agustin, Isabela at Aries Catab, 19 anyos, binata, at residente ng Masaya SuR, San Agustin, Isabela.

Nasugatan din ang tsuper ng motorsiklo na si Turog Dela Cruz, residente ng Masaya Sur, San Agustin, Isabela at sakay na si Mike Salvador residente ng barangay Masaya Sur, San Agustin, Isabela.

--Ads--

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumabas sa imbestigasyon ng Echague Police Station na binabagtas ng motorsiklo ang nasabing daan habang patungo sa kasalungat na direksyon ang tricycle.