--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasawi ang isa sa apat na sakay ng tricycle makaraang mabunggo ng SUV sa barangay Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Ang nasawi ay si Bernardo Miguel, may-asawa habang nasugatan din ang apat pang sakay ng tricycle na sina Larry Ballao , tsuper ng tricycle; Anselmo Ballao at Antonio Lucena, pawang residente ng San Antonio, Ramon, Isabela.

Ang drayber naman ng Nissan Navara ay si Darwin Rivera ng Calao West, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, parehong binabagtas ng SUV at tricycle ang magkasalungat na direksyon.

--Ads--

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay mag-oovertake sana ang SUV ngunit hindi nito napansin ang paparating na tricycle kaya nagbanggaan ang dalawang sasakyan na nagresulta ng pagkasawi ni Bernardo Miguel at pagkasugat ng apat na iba pa.