--Ads--

CAUAYAN CITY – Magkasunod na naitala ang pagkasunog ng bahay ng mag-asawang guro at isang boarding house sa dalawang bayan sa Nueva Vizcaya.

Umabot sa kalahating milyong piso ang nasunog na ari-arian ng mag-asawang guro na sina Diosdado at Vilma Aduca ng Lantap, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay FO1 Almirante Tayaban ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Bagabag, sinabi niya na malaki na ang apoy nang makarating sila sa nasabing lugar.

Naapula nila ang apoy matapos ang 30 minuto at walang nadamay na ibang bahay.

--Ads--

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng BFP na short circuit ang sanhi ng sunog dahil nginatngat umano ng daga ang linya ng koryente sa bobida ng bahay.

Samantala, nasunog din ang boarding house na pag-aari ng pamilya Gambito sa Don Mariano Marcos, Bayombong Nueva Vizcaya.

Inihayag ni Fire Insp. Erwin Dacumos ng BFP Bayombong na hinihinalang pinaglaruang lighter ng isang bata ang pinagmulan ng apoy.

Ang tinig ni Fire Insp. Erwin Dacumos

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP at inaalam kung magkano ang halaga ng tinupok ng apoy.