CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan na ng maigi ng pamahalaan ang pagkakaroon ng localized peace talks na sinusuportahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary at Government chief peace negotiator Silvestre Bello III na hindi pa rin binibitawan ni Pangulong Duterte ang adhikain na pangmatagalang kapayapaan sa ating bansa.
Ito ang dahilan kaya’t lumagda ng Executive Order ang Pangulo sa pagkakaroon ng localized peace talks.
Maari lamang anyang nakita ng Pangulo na medyo mahina ang daloy ng pag-uusap tungkol pangkapayapaan sa panel to panel kaya’t nagpasya na isulong na lamang ang localized peace talks.
Sinabi pa ni Kalihim Bello na mayroong dapat prosesong susundin at pre-conditions sa pagkakaroon ng localized peace talks upang magtagumpay.