--Ads--

CAUAYAN CITY- Inamin ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi nakakapagpadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas ang mga Overseas Filipino Workers sa Libya dahil sa nagpapatuloy na civil war sa nasabing bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa level 3 na ngayon sa Libya at hindi nakakapagpadala ang mga OFW ng pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Karamihan aniyang OFW na nasa Libya ay mga medical workers tulad ng mga nurse na bagamat malaki ang suweldo ay pinagbabawalan naman sila ng Central Bank ng Libya na makapagpadala ng pera sa Pilipinas.

Ang ginagawa ng mga OFW sa Libya ay nagtutungo sila sa bansang Tunisia upang makapagpadala ng pera sa Pilipinas.

--Ads--