--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinasagawa ngayong araw ang job fair sa isang malaking mall sa Cauayan City bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2019 Gawagaway-yan Festival.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Jocelyn Tagudando, Public Employment Service Officer (PESO) ng Cauayan City, sinabi niya na halos 80 employers ang lumahok sa job fair sa SM Cauayan City.

Ito ay nagsimula kaninang 9am at magtatapos mamayang 5pm .

Aniya, bukod sa local employment ay mayroon ding mga overseas job na alok sa job fair at karamihan ay para sa mga skilled workers.

--Ads--

Una na silang nagbigay ng sulat sa mga kolehiyo at unibersidad sa Cauayan City upang mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong graduates na makahanap ng trabaho sa job fair.

Pinayuhan niya ang mga aplikante na maghanda ng maraming resume para mas malaki ang pagkakataon nilang makahanap ng trabaho mula sa mga lumahok na employer.

Bukas ang nasabing job fair sa lahat ng mga naghahanap ng trabaho.

Ang tinig ni Mrs. Jocelyn Tagudando

Inihayag pa ni Ginang Tagudando na ang mga hindi makakahanap ng trabaho sa job fair ay mapapasama ang kanilang pangalan sa phil-job.net na online site para sa mga naghahanap ng trabaho at mga employer.