CAUAYAN CITY – Nagtapos ang 30 rebel returnees sa kanilang agricultural production training NCII bilang bahagi ng Arms to Farm Program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Isabela at ng 5th Infantry Division Philippine Army sa Gamu, isabela.
Bukod sa pagtatapos sa kanilang training sa TESDA ay naging miyembro na ang mga rebel returnees sa Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu)
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng isa sa mga rebel returnees na si Lolito Dao-ayan, 67 anyos na bago siya sumapi sa New People’s Army (NPA) ay pinangakuan siya ng lupa at tulong para sa kanyang subalit hindi ito nangyari.
Pinatay din umano ng kilusan ang kanyang pinsan na magtatapos na sana sa abogasya.
Sinabi ni Victor Balauag na gaya ni Dao-ayan ay wala rin umanong natupad sa mga pangako sa kanya.
Samantala, inihayag naman ni Major Noriel Tayaban, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID na ang pagsailalim sa training sa mga rebel returnees ay bahagi Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) para magkaroon sila ng mapagkakitaan sa kanilang pagbabagong buhay.