CAUAYAN CITY – Nagbunyi ang Lunsod ng Ilagan sa karangalang naiuwi ng dancesport team na lumahok sa 4th Brillante International Dancesport Championship na ginanap sa Orchard Hotel grand ballroom sa Singapore.
Nakamit nila ang ikaapat na puwesto matapos magwagi ng 9 medals na kinabibilangan ng 3 golds, 5 silvers at 1 bronze.
Ang City of Ilagan City lang ang nagpadala sa region 2 ng delegado sa nasabing kompetisyon na kinabibilangan 7 pares at 10 trainers at coaches na pinakamarami mula sa Pilipinas.
Sa Standard Juvenile Category, nakuha nina Justin Aglugub at Isa Jacinto ang gold medal medalya habang silver ang nakuha nina Ricky Nelson Laggui Jr. at Colline Pascua sa katulad na kategorya.
Nakuha naman nina Mickelson Deolazo at Abcey Taquiqui ang gold medal sa Latin Juvenile B event habang silver sa Latin Juvenile A.
Sa Junior Standard C at Pre-Amateur Standard C categories, nakuha nina Lance Mabitazan at Princess Dianne Valdez ang silver medal habang bronze medal ang napanalunan nina Nikko Gatdula at Rose Manabat.
Ang DanceSport Academy (Melvin & Sharon) ay inorganisa ng 4th Brillante International DanceSport Championship (Freedom to Dance) na nilahukan ng mga top adjudicator-dancers mula sa iba’t ibang bansa at naging guest artists sina Kirill Belorukov at Polina Teleshova ng Russia.