--Ads--

CAUAYAN CITY – May mga Pilipino nang nagtatrabaho sa Libya ang nagpalista na sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli para sa kanilang repatriation para iwasan ang panganib na dulot ng labanan ng puwersa ng pamahalaan at mga rebelde.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa Pilipina nurse na si Levi Bermudez na tubong Baguio City, sinabi niya na nagsimula ang pagpapalista matapos na magpalabas ng advisory ang Embahada ng Pilipinas.

Nagbigay ang embahada ng contact number sa mga nagpalista ng pangalan para sa kanilang repatriation o pag-uwi na sa bansa.

Pinayuhan ng Embahada ang mga Ofw’s na malapit sa mga lugar na may kaguluhan na huwag lumabas para maiwasan ang panganib.

--Ads--

Ayon kay Bermudez, sarado hanggang ngayon ang Mitiga Airport sa Tripoli dahil na pinsala ang runway nito matapos ang pag-atake ng puwersa ni renegade General Khalifa Haftar   na naglalayong makontrol ang Tripoli.