CAUAYAN CITY– Labis ang nadamang kalungkutan ni Father Greg Uanan, Chancellor ng Diocese of Ilagan nang makita sa kaniyang social media ang malakas na apoy at usok na nagmumula sa tuktok sa Notre Dame Cathedral sa Paris.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Father Greg Uanan, Chancellor ng Diocese of Ilagan na nakapanghihinayang dahil sa Notre Dame Cathedral matatagpuan ang kasaysayan ng Romano Katoliko.
Maging siya aniya ay naantig ang puso nang makita ng personal ang Notre Dame Cathedral na kabilang sa UNESCO World Heritage sa buong mundo dahil sa French gothic style nito.
Matatapuan din dito ang iba’t ibang relics na nagpapakita ng pisikal na labi ng mga santo at ilang bahagi umano ng koronang tinik ni Hesukristo.
Sumiklab ang sunog sa Notre Dame Cathedral sa Paris at ayon sa mga otoridad posibleng may kaugnayan ang sunog sa isinasagawang renovation sa nasabing cathedral .