--Ads--
CAUAYAN CITY – Binigyan ng notice of violation ng Commission on Elections ang halos lahat ng local candidate sa Cauayan City dahil sa mga paglabag sa pagkakabit ng mga campaign materials.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Election Assistant II Roy Barangan ng Comelec-Cauayan City na karamihan sa kanilang binigyan ng notice of violation ay mga kandidatong may oversize campaign materials at mga naglalagay sa mga poste at mga punong kahoy.
Sinabi pa ni G. Barangan na sa April 17 at April 21, 2019 ay magsasagawa sila ng operation baklas katuwang ang PNP, DENR at DPWH upang baklasin ang mga hindi tinanggal na mga illegal campaign posters.