CAUAYAN CITY– Na-shock at hindi makapaniwala ang isang Filipino na nag-aaral ng musika sa Paris, France sa Paris nang masaksihan niya mismo ang pagkasunog ng Notre Dame Cathedral habang namamasyal sa nasabing lugar.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Franco Maigue, tubong Quezon City at nag-aaral sa isang music school sa Paris na kasama niya ang kabigan at papasok sana sila sa Notre Dame Cathedral ngunit dahil sa haba ng pila ay namasyal na lamang sila sa malapit na riverside.
Habang namamasyal sila ng kaibigan sa paligid ng Cathedral ay napansin nila ang usok at apoy na nagmumula sa Cathedral hanggang sa ito ay lumaki.
Na-shock siya maging ang iba pang mga turista sa pagkasunog ng Notre Dame Cathedral.
Sinabi ni Maigue na nagsidatingan ang daan-daang bombero ngunit nahirapan silang apulahin ang apoy.
Pinagbawalan din ang mga turista na makalapit sa makasaysayang cathedral.