--Ads--
CAUAYAN CITY – Umabot na sa 272 na barangay sa rehiyon dos ang naideklarang drug cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Louella Tomas, spokesperson ng PDEA region 2, sinabi niya na magandang senyales ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga drug cleared barangay sa ikalawang rehiyon.
Kasalukuyang sinusuri ng Oversight Committee ang ilan pang mga barangay at posibleng may 50 pa na maidedeklarang drug cleared sa mga susunod na araw.
Sinabi pa ni Tomas na may isang lalawigan sa rehiyon dos ang malapit nang maideklarang drug free province.
--Ads--
Dalawampong barangay na lamang ang kailangang ma-clear upang tuluyang maihayag na drug cleared province ang Quirino.