--Ads--
Operation Baklas

CAUAYAN CITY – Gagawing ebidensiya ng Commission on Elections (Comelec) sa Cauayan City ang mga nabaklas na campaign materials sa pagsasampa ng kaso laban sa mga lumabag na kandidato sa Omnibus Election Code.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Election Asst. 2 Roy Barangan ng Comelec-Cauayan City na marami silang nakuhang illegal campaign posters ng mga national at local candidates.

Karamihan sa mga binaklas nilang campaign materials ay mga oversized at naka-kabit sa mga poste ng kuryente at puno ng kahoy.

Sinabi pa ni Comelec Asst. 2 Barangan na karamihan sa mga tinanggal nila sa ikalawang Operation Baklas ay posters ng mga local candidate dahil marami na silang tinanggal na campaign materials ng mga national candidates sa nauna nilang operasyon.

--Ads--

Ang mga nabaklas na campaign materials ay kanilang sine-segragate upang matukoy ang mga kandidato na may pinakamaraming bilang ng mga illegal campaign materials at gagamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kaso laban sa kanila.