CAUAYAN CITY – Tumaas ng 50% ang fatality rate sa mga naganap na sunog sa bansa sa unang quarter ng 2019.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay BFP Spokesperson Fire Chief Inspector Jude Delos Reyes, sinabi niya na mayroon na silang naitalang 111 na namatay sa mga sunog ngayong 2019 habang 74 lamang noong 2018.
Tumaas din ng dalawang porsyento ang mga fire incidents sa bansa mula Enero hanggang ikalawang linggo ng Abril, 2019.
Ayon kay Delos Reyes nakapagtala na sila ng 5,929 fire incidents ngayong 2019 kumpara sa 5, 772 fire incidents noong 2018.
Nangunguna sa mga may mataas na naitalang sunog ang Mindanao, Visayas at National Capital Region.
Patuloy ang paalala nila sa mga BFP units sa bansa na maging alerto at ipatupad ang malawakang information drive para maiwasan ang sunog.
Nangungunang dahilan ng sunog ang depektibong electrical connection, upos ng sigarilyo at kapabayaan sa kusina.
Nakadagdag din umano sa pagtaas ng kaso ng sunog ang mainit na panahon na nararanasan sa bansa.