--Ads--

CAUAYAN CITY –Nasawi ang isang karpintero na sakay ng motorsiklo matapos bumangga noong Sabado de Gloria sa isang Isuzu truck sa pambansang lansangan na nasasasakupan ng Sinnipil, Reina Mercedes, Isabela.

Ang nasawi ay si John-john Guito, 27-anyos, may-asawa, karpintero at residente ng Dangan, Reina Mercedes.

Ang driver ng truck ay si Bobby Joe Oliquimo, electrician at residente ng Minante 2, Cauayan City Isabela.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng biktima sakay ng kaniyang motorsiklo ang daang patungong Cauayan City habang ang truck patungo sa City of Ilagan.

--Ads--

Nang makarating sa lugar ay bumangga sa truck ang motorsiklo na naging sanhi ng kamatayan ng biktima.