--Ads--
Region 2 long gold medalist Algin Gomez

CAUAYAN CITY – Target ng isang grade 12 student mula sa Aparri, Cagayan na mabasag ang kaniyang sariling record sa triple jump at long jump sa Palarong Pambansa 2019 na ginaganap sa Davao City.

Nagwagi si Gomez ng gintong medalya sa long jump secondary at target na manalo rin ng gintong medalya sa triple jump sa Miyerkoles.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Algin Gomez, 18 anyos na sisikapin niyang mahigitan ang kaniyang record sa kaniyang huling pagsabak sa Palarong Pambansa.

Aniya, grade VI lamang siya ay nahilig na siya sa pagtakbo at inspirasyon niya ang kaniyang mga magulang at idolo niya ang Pilipina Athlete at long jump queen na si Elma Muros-Posadas.

--Ads--

Inihayag pa ni Gomez na may ilang unibersidad sa Metro Manila ang naghayag ng kagustuhan na kunin siya ngunit mas gusto niyang manatili sa ikalawang rehiyon para magbigay ng karangalan.

Nagpapasalamat din siya sa Panginoon at sa lahat ng mga nagtitiwala sa kaniya.

Si Algin Gomez ay may tangkad na 5’11 at nag-aaral sa Aparri East National High School.

Nanalo siya ng gintong medalya sa long jump at triple jump noong Palarong Pambansa 2018 na ginanap sa Vigan City, Ilocos Sur.

Ang tinig ni Algin Gomez sa naging panayam nina Bombo Ronald tactay at Bombo Jonel Ganio

Gold medalist din siya sa long jump sa nakaraang na Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) Meet 2019.