CAUAYAN CITY – Nagbigti ang isang dalagita dahil sa suliranin sa pamilya sa barangay Darubba, Quezon, Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Larry Pingkihan, hepe ng Quezon Police Station na napuno ng problema ang 16 anyos na dalagita dahil bukod sa naghiwalay ang kanyang mga magulang ay lasenggo pa ang ama at walang pakialam sa kanilang pamilya.
Nauna aniyang nagtangkang magpakamatay ang dalagita ngunit napigilan.
Lumabas sa imbestigasyon ng Quezon Police Station na palagi umanong binabanggit ng dalagita sa kanyang kasintahan ang suliranin sa kanyang pamilya.
May concerned citizen ang nagsumbong sa himpilan ng pulisya ukol sa pagpapakamatay ng isang dalagita at nang kanilang tinugunan ay nadatnan ang dalagitang nakabitin at wala nang buhay.