--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumaas ang water elevation ng Magat Dam dahil sa mga pag-ulan sa watershed areas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Eduardo Ramos, Division manager ng Dam and Reservior Division ng NIA MARIIS, sinabi niya na ang water elevation ngayon ng Magat Dam ay 173.58 meters.

Tumaas ito ng 10 meters mula sa elevation nito na 167.75 nang itigil nila ang pagpapalabas ng tubig patungong irrigation canals noong March 31, 2019.

Nakatulong aniya sa pagtaas ng water elevation ng dam ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa mga watershed areas sa Ifugao at Nueva Vizcaya at ang cloud seeding operation ng Department of AgricultUre (DA).

--Ads--

Batay sa kanilang forecast, maaaring maging 183.25 meters ang water elevation ng Magat Dam sa buwan ng Hunyo kung tuluy-tuloy ang pag-ulan sa mga watershed areas.