--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit na imomonitor ng National Food Authority (NFA) region 2 ang mga kooperatiba na magbebenta ng palay sa kanilang mga warehouse para hindi makalusot ang mga pekeng kooperatiba na posibleng gamitin ng mga negosyante para makapagbenta ng palay sa ahensiya.

Ang hakbang ng NFA region 2 ay kaugnay ng natanggap na report ni Agriculture Secretary Manny Manny Piniol hinggil sa mga pekeng kooperatiba.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Manager Rocky Valdez ng NFA Region 2 na dito sa region 2 ay may mahigit 100 na rehistradong kooperatiba ngunit mahigit animnapu lamang ang aktibo.

Tiniyak niya na hindi makakalusot ang anumang kooperatiba na magpapagamit sa mga negosyante o mga magsasaka na may malawak na palayan para maibenta sa ahensiya ang malaking tonelada ng kanilang ani.

--Ads--