CAUAYAN CITY – Nag-iikot ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa iba’t ibang bayan sa Isabela dahil sa natatanggap na intelligence report na may mga kandidatong bumibili ng boto para sa halalan sa Lunes, Mayo 13, 2019.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Director Tim Rejano ng NBI-Isabela na isa umanong kandidato sa Reina Mercedes, Isabela ang namimili ng boto.
Namimigay umano ng sample ballots na may kalakip na pera.
Aniya, kung mapatutunayan nilang nagsasagawa ng vote buying ang isang kandidato ay agad siyang huhulihin at sasampahan ng kaso.
Ayon kay Rejano, dapat maging matalino at mapanuri ang mga botante sa kanilang pagboto sa darating na halalan .
Aniya, kahit na tumanggap ng pera, iboto pa rin sa halalan ang mga karapat-dapat na kandidato.