--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa Mayo 14, 2019, isang araw matapos ang halalan ay maaari nang kunin ng mga City at Municipal Agriculture Office sa warehouse ng mga Provincial Agriculture Office ang mga binhing palay na ipapamahagi sa mga magsasaka na naapektuhan ng El Ninio o tagtuyot sa region 2..

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Narciso Edillo ng DA region 2 na aabot sa 86,000 bags ng certified at hybrid seeds ang ipamimigay na ayuda sa mga magsasaka na nagtamo totally at partially damaged ang mga tanim na palay at mais.

Mayroon silang masterlist na ibinigay ng mga city at municipal agriculture office at nagsagawa sila ng validation.

Nilinaw ni Edillo na ang mga makakakuha ng ceritified seeds ay hindi na makakakuha ng hybrid seeds.

--Ads--

Umaabot sa 58,000 na magsasaka ang naapektuhan ng El Ninio sa region 2 pangunahin sa Isabela at Cagayan.

Ang pinsala sa region 2 sa palay ay mahigit 522 million habang sa mais umabot 2 billion pesos.

Sinabi ni Edillo na hindi ito nakaapekto sa kabuuang production dahil sa palay ay wala pang 1% ang production damaged habang sa mais ay 3.65% lamang.

Sa Isabela ay hindi gaanong naapektuhan ang palay dahil nakapag-ani na ang maraming magsasaka na irrigated ang bukid.

Sa Cagayan ay mas marami ang malubhang naapektuhan dahil maraming magsasaka ang umaasa sa tubig-ulan at patubig mula sa mga shallow tubewells.

Ang mas maraming naapektuhan sa Isabela ay mga nagtatanim ng mais.

Kaunti lamang aniya ang mga naapektuhang magsasaka sa Quirino at Nueva Vizcaya.

Samantala, dahil panay na ang pag-ulan ay pinayuhan ni Regional Director Edillo ang mga magsasaka na ihanda na ang kanilang mga sakahan o taniman ng mais.