--Ads--

CAUAYAN CITY –  Labis na nagpapasalamat ang isang 33 anyos na ginang na maayos niyang naisilang ang kanyang baby matapos siyang mag-labor habang sakay ng eroplano papuntang Cauayan City mula sa coastal town ng Divilacan, Isabela.

Dinala si Gng. Shirley Obias ng Rescue 922 at Philippine Red Cross sa Cauayan District Hospital (CDH) matapos siyang magsilang sa loob ng eroplano na lumapag kahapon sa Cauayan City Domestic Airport.

Itinuturing ni Gng. Obias na swerte ang ikapitong anak dahil isinilang niya ito sa  loob ng eroplano habang naglalakbay sa himpapawid kaya Sky ang nais niyang ipangalan sa kanya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi  ni Gng. Obias na ayaw sana niyang lumuwas papuntang  Cauayan City dahil mahal ang pasahe sa eroplano.

--Ads--

Gayunman, napilitan siya dahil pinilit siya ng midwife sa Divilacan sapagkat hindi umano kumpleto ang kanilang mga gamit doon.

Nagalit umano ang doktor sa CDH kung saan dinala ang mag-ina dahil mayroon namang doktor at nurse sa Divilacan, Isabela

Ang problema  ngayon ni Gng. Obias ay ang  pamasahe nila pabalik sa coastal town lalo pat nais nilang  mahabol  ang botohan sa Lunes.