CAUAYAN CITY – Nagsimula ngayong araw ang mga aktibidad sa ika-163th founding anniversary ng lalawigan ng Isabela.
Isinagawa kaninang umaga ang thanksgiving mass sa St. Michael Cathedral na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Ito ay sinundan ng breakfast sa guest house sa panlalawigang kapitolyo.
Sa ika-18 ng Mayo 2019 itutuloy ang mga aktibidad para sa Isabela Day dahil sa pagdaraos ng halalan sa Lunes.
Tampok na aktibidad sa pagdiriwang ang paggawad ng parangal sa mga tatanghaling Outstanding Isabelenios at ang Search For Queen Isabela 2019.
Lalahukan ito ng 23 na bayan at lunsod na kinabibilangan ng Alicia, Angadanan, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Cordon, Delfin Albano, Echague, Jones, Luna, Mallig, Naguilian, Ramon, Reina Mercedes, Roxas, San Guillermo, San Mateo, San Pablo, Santa Maria, Tumauini, Cauayan City, Ilagan City at Santiago City
Samantala pansamantalang isasara ang Queen Isabela Park Para sa pagdisenyo sa panlalawigang kapitolyo bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersayo ng pagkatatag ng Isabela simula sa ikalabing-apat ng Mayo.