--Ads--
CAUAYAN CITY – Hinihinalang nagpakamatay ang isang empleado ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO 2) matapos matagpuan kaninang 8:45 ng umaga ang kanyang bangkay sa loob ng kanilang bahay sa Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.
Ang hinihinalang nagpakamatay ay si Rey Nino Lagamia, 43 anyos, may-asawa, kawani ng ISELCO 2 at residente ng Calamagui 1st.
Si Lagamia ay natagpuang patay sa kanyang silid at may tama ng bala sa kanyang kaliwang dibdib.
Sa pagtugon ng nga kasapi ng Rescue 1124 ay wala nang pulso si Lagamia.
--Ads--