--Ads--

CAUAYAN CITY – Wala pang natukoy na  suspek at  motibo ang mga imbestigador sa patuloy na pagsisiyasat sa pamamaril at pagpatay dakong alas singko kahapon sa dalawang sakay ng motorsiklo habang binabagtas ang daan sa Villapaz, Naguilian,Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ni PCpt Mary Jane Sibbaluca, deputy chief of police ng Naguilian Police Station ang mga nasawi dahil sa tama ng maraming bala sa kanilang katawan na sina na retired PLt. Edralino Domingo, 63 anyos,  residente ng Kalabaza, Aurora, Isabela at Jane Tul-o, 45 anyos, negosyante at dating Overseas Filipino Worker (Ofw) sa Kuwait.

Si Domingo ay dating nakatalaga sa Burgos Police Station sa Burgos, Isabela, dating barangay kagawad at kumandidatong konsehal ng Aurora, Isabela ngunit hindi pinalad na manalo.

Ang mga suspek na bumaril sa mga biktima gamit ang M16 armalite rifle ay sakay ng isang puting pick-up na walang plaka.

--Ads--

Ayon kay PCpt. Sibbaluca, bumaba pa ang mga suspek mula sa pick up at tiniyak na mapatay ang mga biktima sa pamamagitan ng pagbaril sa kanila nang malapitan.

Umabot sa 23  na basyo ng M16 armalite rifle at isang basyo ng bala ng Caliber 45  ang nakuha ng mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (Soco) sa pinangyarihan ng krimen.

Agad na nakilala si Domingo dahil sa mga dalang identification card habang ang kasamang si Tul-o ay nakilala matapos dalhin sa punerarya ang kanilang mga bangkay.

Sinabi ni PCpt Sibbaluca na malalaman sa resulta ng pagsusuri ng Soco sa bangkay ng dalawa kung ilan ang tama ng bala sa kanilang katawan.

Ang tinig ni PCpt Mary Jane Sibbaluca