--Ads--

CAUAYAN CITY – Inireklamo ng kapatid ng napatay na negosyante ang nawawalang bag nito na naglalaman ng mga alahas at malaking halaga ngpera.

Ang bag umano ay hindi natagpuan ng mga kasapi ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen noong ika-20 ng Mayo 2019 sa Villapaz, Naguilian, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jermel Dagman, kapatid ng biktimang si Jane Dagman Tul-o, 45 anyos, Ofw at residente ng Villaluz, Benito Soliven, Isabela, sinabi niya na bago naganap ang pamamaril ay nanggaling ang kanyang kapatid sa kanyang puwesto sa Primark sa Cauayan City at dala ang bag na naglalaman ng mga alahas at Php 200,000 cash.

Ibebenta sana niya umano ang mga alahas sa Aurora, Isabela.

--Ads--

Dahil dito ay may hinala si Ginoong Dagman na posibleng pagnanakaw ang isa sa mga motibo sa krimen.

Hindi naman isinasantabi ng pamilya Dagman na maaaring nadamay lamang si Jane sa anumang problemang kinasangkutan ng kasama na si retired PLt Edralino Domingo ng Kalabaza, Aurora, Isabela na maituturing nilang malapit sa kanilang pamilya.

Ang tinig ni Jermel Dagman

Nakaburol ang bangkay ni Jane Dagman Tul-o sa kanilang bahay sa Villaluz Benito soliven, Isabela.