CAUAYAN CITY– Magbibigay ng tulong pananalapi at scholarship ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) region 2 sa anak ng OFW na namatay sa Kuwait na si Ma. Constancia Dayag,47 anyos, balo at residente ng Dalenat, Angadanan, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni OIC OWWA region 2 Luzviminda Tumaliuan na ibibigay nila bukas,araw na pagdating ng labi ng OFW sa Isabela ang financial assistance na P/100,000.00 sa iniwang pamilya.
Bukod anya rito ay pagkakalooban ng OWWA region 2 ng educational assistance ang bunsong anak ( 14 anyos ) ni Constancia Dayag .
Magbibigay din ng livelihood assistance ang OWWA region 2 sa iba pang anak ni Dayag.
Ibibigay din ang death claim at financial assistance ng OWWA Manila sa pamilya ng biktima.