CAUAYAN CITY – Dalawampu’t walo ang nasugatan, anim ang nagtamo ng malalang sugat matapos bumaliktad ang isang elf truck na nawalan ng preno sa Sitio Buduan, San Pablo, Cauayan City.
Ang mga nagtamo ng mas malalang sugat sa katawan ay sina Tina Joy Tejada, 14 anyos; Joy Masi, 35 anyos, guro; Aquilina Pelerio, 80 anyos; Norberto Callangan, 58 anyos; Wilma Callangan, 60 anyos at Ella Soriano,
Ang 22 na iba pang sakay ng truck na nagtamo ng minor injuries ay pawang residente ng Linglingay, Cauayan City, Isabela.
Ang driver ng Isuzu elf truck ay si German Tagata, 28 anyos at pag-aari ni Esmenia Agbayani, 57 anyos, negosyante, kapwa residente ng Linglingay, Cauayan City, Isabela.
Lumabas sa imbestigasyon ng Cauayan Police Station na paakyat ang truck sa pakurbadang daan patungong barangay Linglinggay nang mawalan umano ng preno.
Nawalan ng kontrol sa manibela ang tsuper na si Fragata at dahil overloading ang truck ay umatras pababa sa daan hanggang ito ay bumaliktad na nagbunga ng pagkasugat ng mga sakay nito.
Ang mga biktima ay dinala sa iba’t ibang ospital sa Cauayan City.