--Ads--

CAUAYAN CITY– Desididong magsampa ng kaso ang pamilya ng mga nasugatan sa pagkatumba ng kanilang sinakyang elf truck sa Buduan, San Pablo, Cauayan City.

Ang driver ng Isuzu elf truck ay si German Tagata, 28 anyos at pag-aari ni Esmenia Agbayani, 57 anyos, negosyante, kapwa residente ng Linglingay, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Alberto Tejada, ama ng isa sa mga biktimang si Tina Joy Tejada, 14 anyos na na-comatose at wala nang pag-asang mabuhay na magsasampa sila ng kaso.

Masakit umano para sa kanya ang pangyayari lalo’t pangarap ng kanyang anak na maging guro. Ayon pa kay Tejada, hindi sana naaksidente ang mga sakay ng elf truck kung bumaba sila bago umakyat ang sasakyan.

--Ads--
Tinig ni G. Alberto Tejada

Bukod sa kanya ay magsasampa rin umano ng kaso ang iba pang pamilya ng 28 na tao na nasugatan sa pagbaliktad ng elf truck matapos mabitin sa paakyat na daan sa barangay San Pablo, Cauayan City.