CAUAYAN CITY -Patay na ng matagpuan ang isang lalaki sa kanyang tent sa isang bukirin sa San Isidro, Isabela.
Ang biktima ay si Balbino Dela Cruz, may-asawa, magsasaka/caretaker, residente ng Quezon, San Isidro, Isabela.
Sa naunang imbestigasyon ng mga pulis, patay na ng matagpuan ni Richard Saflor ng Doña Paulina, San Isidro, Isabela sa kanyang tent ang biktima na nasa bukirin NA pagmamaya-ari ni Arsenio Gragasin.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, sinabi ng mga residenteng malapit sa nasabing lugar na may narinig silang malakas na kulog at kidlat kahapon ng hapon sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima.
May nakita namang tanda ng pagkasunog sa kanang hita ni Dela Cruz.
Patuloy pa rin ang follow up investigation ng mga pulis sa pagkamatay ng biktima.






