--Ads--

CAUAYAN CITY – Dead on arrival sa ospital ang isang binata matapos aksidenteng makuryente habang nag-aayos ng electric wire sa Cordon, Isabela.

Ang biktima ay si Leo Bogo, 22 anyos, walang asawa, maintenance crew at residente ng Villa Marzo, Cordon, Isabela.

Bago naaksidente ang biktima ay inaayos nila ang electric wire sa isang tindahan ng bigla siyang nakuryente.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

--Ads--