--Ads--

CAUAYAN CITY– Maapektuhan hindi lamang ng mga Overseas Filipino Workers (Ofw’s) kundi lahat ng mga turista at mamamayan ng Hongkong sa isinusulong na extradition bill ng mga mambabatas.

Ang mariing pagtutol sa nasabing panukalang batas ang pangunahing dahilan ng ilang araw nang kilos protesta ng mga mamamayan sa Hong Kong.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ofw Catherine Entines Balisong, tubong Masbate na ang negatibong epekto ng panukalang batas ang dahilan kaya’t mariing tinututulan ito ng mga mamamayan sa Hongkong.

Sinabi pa ni Bb. Balisong na maraming manggagawang Pinoy sa Hong Kong ang natatakot sa magiging epekto kaya marami ang balak na lang umuwi sa Pilipinas o kaya ay magtrabaho sa ibang bansa kapag naging batas ang extradition bill.

--Ads--
Bb. CatherineBalisong,Ofw sa Hongkong

Hindi naman aniya magiging problema sa Hongkong kung mag-break ng kontrata maging ang mag-terminate ng kontrata dahil ito ay legal.