--Ads--

CAUAYANCITY – Nais ni Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya na magkaroon ng imbestigasyon para malaman kung standard o sub-standard ang mga ginamit na material sa paggawa ng flood control project o dike sa Macate, Bambang, Nueva Vizcaya na nasira noong Bagyong Rosita .

Ang nasirang dike ay bumigay nang tuntungan ng tatlong magkakapatid na bata na naging dahilan ng kamatayan ng dalawa sa kanila matapos silang mahulog.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Padilla ng Nueva Vizcaya, sinabi niya na nagpasabi na siya noong nakaraang taon kay Secretary Mark Villar ng DPWH na suriin ang mga flood control projects kasunod ng natanggap na impormasyon na sub-standard umano ang mga ginamit ng kontratista.

Tinig ni Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya

Matatandaan na inihayag ni Barangay Captain Purificacion Tumacder, na nagtungo ang magkapatid na Justin Yadao, at Kevin Yadao kasama ang kanilang kuya sa gilid ng ilog para magpalipas ng oras subalit gumuho ang tinuntungan nilang dike.

--Ads--