CAUAYAN CITY – Hinihintay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pinal na resulta ng otopsiya sa bangkay ng pinatay na Overseas Filipino Worker (Ofw) sa Kuwait na si Constancia Lago-Dayag ng Angadanan, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, sinabi niya na patuloy ang kanilang pagmonitor sa imbestigasyon para malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Dayag sa pamamagitan ng autopsy na ginawa ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nagbigay na rin sila ng tulong pinansiyal sa pamilya ng biktima at pagkakalooban ng scholarship ang kanyang bunsong anak.
Kinumpirma rin ng OWWA administrator na mayroon pang mga Ofw’s na tinutulungan nila kabilang ang Pinay na ginahasa ng isang Kuwaiti police.