CAUAYAN CITY – Handang-handa ang Office of Civil Defense (OCD) region 2 sa isasagawang simultaneous nationwide earthquake drill bukas, June 20, 2019.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Ronald Villa, pinuno ng operations section ng OCD region 2, sinabi niya na nagsagawa sila ng mga pulong katuwang ang Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Counci (CCDRRMC) at iba pang ahensiya.
Aniya, layunin ng madalas na pagsasagawa ng earthquake drill na alamin ang kahandaan ng mga Local Government Units (LGU), mga paaralan at iba pang establisiyimento kapag may lindol.
Ang kanilang pilot venue ay ang SM Cauayan City.
Idinagdag pa ni Mr. Villa na puspusan ang kanilang awareness campaign sa mga paaralan para maging prayoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa gitna ng pagdami ng mga matataas na gusali.
Nanawagan siya sa mga estudiyante na seryosohin ang mga isinasagawang earthquake drill para kapag nagkaroon ng actual na lindol ay hindi sila mag-panic dahil mayroon na silang kaalaman kung ano ang mga dapat gawin.