--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapasalamat ang pamunuan ng Isabela Provincial Crime Laboratory matapos pagkalooban ng state-of-the-art microscope na tulad ng ginagamit sa Camp Crame.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Lt. Col Erwin Camarao, chief ng Isabela Provincial Crime Laboratory, sinabi niya na ang Projectina VisionX microscope ay nagkakahalaga ng P10 million.

Ito ay gawa sa Switzerland at may Integrated Ballistic Identification System na mabisa sa ballistics analysis at confirmation.

Aniya, sa pamamagitan ng makabagong microscope ay maaari na silang magsagawa ng ballistic exam, pagsusuri ng mga fingerprints, hair strand, fake bills at mga questionable document.

--Ads--

Sa mga nakaraan aniya ay kailangan pa nilang ipadala ang mga nakukuha nilang ebidensiya sa Camp Crame para sa pagsusuri at inaabotng isang linggo bago malaman ang resulta dahil sa dami ng mga nakapila.

Sa pamamagitan ng state-of-the-art microscope ay mapapadali na ang pagsusuri nila ng mga ebidensiya sa mga krimen na naganap sa region 2.

Napili umano ang Isabela Provincial Crime Laboratory na paglagyan sa makabagong microscope dahil angkop ang kanilang tanggapan na paglagyan ng microscope na sensitibo umano sa alikabok.

Ang tinig ni PLt Col. Erwin Camarao