--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumagal hanggang nagyong umaga ang pag-apula ng mga bumbero sa sunog sa dating ricemill na ginawang bodega sa barangay Antonino, Alicia, Isabela.

Tumulong ang mga bumbero mula sa iba’t ibang bayan at lunsod sa Isabela sa pag-apula sa apoy na tumupok sa bodega na kinalalagyan ng stockpile ng mga karton na ibebenta sana.

Sa naging panayam ng ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Inspector Hadji Ramil Romero, Municipal Fire Marshall ng Alicia, Isabela, sinabi niya malaki na ang apoy nang dumating sila sa lugar dakong alas siyete kagabi.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at nahirapan ang mga bumbero na apulain ito dahil nakakandado ang bodega.

--Ads--

Ayon kay Fire Inspector Romero, ang mga nakatambak na karton ay hinayaan muna nilang masunog bago binomba ng tubig upang ganap na maapula ang apoy.

Kabilang sa mga tumulong sa pag-apula sa sunog ang mga bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Cauayan City, Santiago City, mga bayan ng Echague, Angadanan, San Guillermo at mga Chinese fire volunteer brigade.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP Alicia para malaman ang tunay na dahilan ng pagkasunog ng bodega.

Ang tinig ni Fire Inspector Hadji Ramil Romero

With reports and photos from Bombo Gleniel Agonias